Kaya Mo Pa Ba

Kaya mo pa ba magsinungaling sa kanya
Sa tuwing tinatanong ka niya kung siya ay mahal mo pa?
Ano'ng isasagot mo 'pag nagtanong siya ng ganito
"Na-miss mo ba ako?" Masasabi mo ba'ng totoo?

Na hindi mo na siya mahal, na ikaw ay nasasakal
At 'di na kayo dapat na magtagal
Kaya mo bang sabihin na iiwanan mo na siya?
Dahil wala ka nang pag-ibig sa kanya

Pa'no mo siya sasabihan na wala ka nang maramdaman?
Na di ka masaya (na di ka masaya), kung kaya't aminin mo na

Na hindi mo na siya mahal, na ikaw ay nasasakal
At 'di na kayo dapat na magtagal
Kaya mo bang sabihin na iiwanan mo na siya?
Dahil wala ka nang pag-ibig sa kanya

Sana ay malaman mo ang laman ng puso ko
Na nagmamahal sa 'yo at umaasa na masabi mo na'ng totoo

Na hindi mo na siya mahal, na ikaw ay nasasakal
At 'di na kayo dapat na magtagal
Kaya mo bang sabihin na iiwanan mo na siya?
Dahil wala ka nang pag-ibig sa kanya

Na hindi mo na siya mahal, na ikaw ay nasasakal
At 'di na kayo dapat na magtagal
Kung ika'y malaya na, magmahal muli ng iba
Sana ang ibigin mo ay ako na



Credits
Writer(s): Mary Jane C Mendoza, Noel Espenida
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link