Nagmamahal Sa'yo

May mga araw na parang tinatamad akong gumising
May mga araw na medyo masungit ang aking pakiramdam
Ngunit kapag napag-ipisan ko namang ika'y makikita
Basta ang nawawala, parang isang bula
Lahat ng karamdaman, madaling nalilimutan

May mga araw na ang ulo mo ay medyo madaling uminit
May mga araw na mahirap kang pigilin 'pag ika'y magalit
Ngunit kapag napag-isipan ko naman ang iyong mga halik
Tahimik lang ako, 'di ka tinutukso
Hanggang ika'y tumawa, nilalambing kita

Pagkat nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Walang iba kundi ikaw
Nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Ikaw lamang habang-buhay

At darating ang mga araw na tayo'y maging matatanda na
At may mga batang musmos na kung tawagin ka ay lola
At kung pag-iisipan natin kung ano ang sasabihin
Mauna ka na lang, ikaw ang may alam
Sa 'yong karanasan, hindi malilimutan

Pagkat nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Walang iba kundi ikaw
Nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Ikaw lamang habang-buhay

Nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Walang iba kundi ikaw
Nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Ikaw lamang habang-buhay

Nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Walang iba kundi ikaw
Nagmamahal, nagmamahal, nagmamahal sa 'yo
Ikaw lamang habang-buhay



Credits
Writer(s): Danny Javier
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link