Paalam Na (feat. Loraine)

Tila dahan dahan mo saking pinapahiwatig di mo na ako mahal, may iba ka ng mahal at halata ko yon
dahil sa tuwi tuwina magkikita, nakikita di na dinadapuan ng saya ngayon
dahil ba sawang saya ka na sa walang sawa kong pagmamahal pag aalaga't pag aaruga
kaya para bang nawawalan ka na ng gana sakin at sa relasyon natin ay gusto ng kumawala

parang di na ikaw yung dating ikaw, yung dating sigaw ng puso ko pag giniginaw
gusto mo na ba bumitaw? gusto mo na ba umayaw? sa sumpaan nating dalawa ako't ikaw
wala akong maalala ginawa ko, sinam bit ko, binigkas ko para ikasama ng iyong loob
na magiging dahilan ng pagkasira pagkahina pero sana naman mali lang ako ng kutob

Na peron ka ng ibang lalake na nagpapasaya, nagpapangite sa puso mo ay nagpapatibok
kasi kung ganon sana nga pinatay mo nalang ako kasi mas nanaisin ko pa non na matigok
tila ba nabago ang lahat sa isang iglap biglang naganap parang hanap mo na ay iba
parang gusto ko ng umiyak kasi diko na tiyak, kung hanggang kaylan na lamang tayong dalawa

Sinasakop, binabalot na ng takot ang puso't isipan at gabi gabi ako na may kaba
natatakot na baka pagdilat ko, paggising ko aking mahal biglang wala ka na
ako'y nakiiusap kausapin mo ako aking mahal sa dating ikaw ibalik mo na
mahal na mahal kita, wala akong gustong iba alam mo naman yan di ba

ohhh... ano mang gawin mo sakin
ang daming kong pagtitiis puro pasakit
sakaling may humigit pa sakin
sabihin mo ako'y magpaparaya nalang
ano pa bang magagawa ko
kung sa kanya ka sasaya sa yakap na aking hinihiling paalam na

Sa tinagal tagal natin mahal nagmamahalan, bakit ngayon parang merong yelong harang sa lamig
bakit maski "Hello" sa tuwing ika'y tinatawagan ay parang nahihirapan ka na masambit
samantalang dati, kahit gano kaabala kinakausap mo di na mahalaga kahit na saglit
mahalaga'y kahit sagit ay makausap mo ako kahit na dobleng pagka abala man ang kapalit

Ganong-ganon ka noon, walang sandaling nakitaan kita ng dahilan para paghinaan ako
lalong-lalo na sa mga oras na ako'y bigyan mo ng iyong halik at pag hinagkan ako
damang dama ko dati yan sa tabi mo, damang dama ko lahat ng mga ito
ngunit ngayon nadadama pagdadrama, paghihinala sa dating paniniwala at pagkalito

Para bang unti unti ka ng humahakbang palayo saken...
habang ikaw ay papalapit ng palapit sa papalit mo saken...
Yan ang sumasagi, iniisip ko palagi pag ayaw mo kausapen
kasi samantalang dati ayos at pabor sayo kahit na umagahin

Pa tayong magkasama, bahang nasa kama mga lambingan natin na dinaig pa ang mag asawa
maghaharutan habang magka sabay na tumatawa, tila ba kapwa di alam ang salitang pagkasawa
pero ngayon parang meron yatang di tama at yun ang gustong gusto ko na alamin
bakit ka nagkakaganyan? di ka naman ganyan mahal noong una kang mahalin

ohhh... ano mang gawin mo sakin
ang daming kong pagtitiis puro pasakit
sakaling may humigit pa sakin
sabihin mo ako'y magpaparaya nalang
ano pa bang magagawa ko
kung sa kanya ka sasaya sa yakap na aking hinihiling paalam na

Paulit-ulit kong tinatanong sayo ano ba ang totoong nangyare
teka bat di mo masabe? di ka naman ganyan dati
pero bakit ngayon di mo na ako pinapansin sa tuwing magkasama tayong dalawa
mga tingin mo sakin iba na ang dating siguro pinagp palit mo nako sa iba

Ano ba talaga ang dahilan, bakit ka ba nagkakaganyan
sabihin mo sakin wag mo na ko pag hintayin para aking malaman
kung meron ba akong nagawa na di mo nagustuhan
wag ka naman ganyan, ako'y pakinggan pwede bang wag ka magbingi-bingihan

Tumingin ka saking mata, sabihin mo at aminin
baka kasi meron ka saking tinatagong lihim
bat di ka makasagot? simple lang naman ang tanong ko kaya wag mo na patagalin
kung nagsasawa ka na at ayaw mo na kong makasama, bakit dyan sa puso mo di mo ba ako burahin

Para matapos na ng lahat ng ito at sayo ay di na makaabala
kasi sawang-sawa na ako na kapag tayo ang magkasama lagi ka nalang nawawalan ng gana
bahala ka na kung san ka masaya, simula ngayon di na ako mangingialam
pero eto lang ang tanging masasabi ko sayo mahal ko, mag ingat nalang...

ohhh... ano mang gawin mo sakin
ang daming kong pagtitiis puro pasakit
sakaling may humigit pa sakin
sabihin mo ako'y magpaparaya nalang
ano pa bang magagawa ko
kung sa kanya ka sasaya sa yakap na aking hinihiling paalam na



Credits
Writer(s): Mark Anthony Ching
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link