Sa Una Lang (feat. Loraine)

Wag basta basta ibigay pag kababae mo
sa mga bagong lalake na nakilala mo
marami akong kilalang mga babae
agad nag titiwala at agad nag papadale
Makinig ka sakin kung ayaw mong mapasale
masaya lang yan sa una ngal-ngal ka sa finale.

Mga lalake ganto ang diskarte.
kapag nanliligaw sa mga babae.
may dalang gitara bulaklak at chocolate
at kung ano anong matatamis na sinasabi

Susungkitin ko ang bitwin at kasama ang buwan
at kahit saang simbahan ikay pakakasalan
ipag iigib kita ng tubig na panligo mo
tatawid ako sa lubid para lang sayo

Nasan man ako ang pag-ibig moy laging baon
kaya papasukin ko kahit butas ng karayom
bibigyan kita ng magandang buhay at bahay
at lahat ng gusto mo ay aking iaalay

Kilig na kilig naman itong si lukaret
feel na feel nya ang ganda nya agad nag pa bingwet
sinagot nya agad ito ura urada
yung pangit na lalake aba tuwang tuwa na.

Wag basta basta ibigay pag kababae mo
sa mga bagong lalake na nakilala mo
marami akong kilalang mga babae
agad nag titiwala at agad nag papadale
Makinig ka sakin kung ayaw mong mapasale
masaya lang yan sa una ngal-ngal ka sa finale.

Hanggang nag sama na sila sa iisang bubong
kaya nag ka labasan na sila ng mga sumpong
tamad pala tong si lalake umaasa lang sa tulong
kaya yung isang anak nila namatay sa gutom

At yung magandang bahay na kanyang ipinangako
tagpi tagpi kahoy lang palang pinatibay ng pako.
yun ba yung sinasabi mong pag-ibig na wagas
hayup ka wala nga tayo kahit pambiling bigas

Kahit sa butas ng karayom sabi mo ikay papasok
letche ka may trabaho ka hindi ka pumapasok
ang sabi mo bibigyan mo ko ng magandang bukas
ang sabihin mo mag hahanap ka ng maganda bukas

Sa ka bubunga-nga ang lalake nag layas
mag hahanap nalang daw sya ng away sa labas
aba ang tapang at tsaka lakas ng loob
kala mo may pampahilot kapag ikay na bugbug

Wag basta basta ibigay pag kababae mo
sa mga bagong lalake na nakilala mo
marami akong kilalang mga babae
agad nag titiwala at agad nag papadale
Makinig ka sakin kung ayaw mong mapasale
masaya lang yan sa una ngal-ngal ka sa finale.

Ang sasabihin ko sayo eto ay payong kapatid
na sayo nalang kung ikaw sakin ay makikinig
wag kang magpapadala sa bugso ng yung dibdib
sa kabog at sa pintig sa tukso ng yong kilig

Para mapapayag ka at magsabi ng sige
regalo ko na yan sayo bday mo naman kase
nandon na tayo at sabihin natin na masarap
pero hindi mo iniisip ang mga magaganap

na baka makabuo kayo't di nya panindigan
pag nalaman nyang buntis ka ikaw ay takbuhan
sinong kawawa ikaw pati magulang mong umasa
dahil ikaw na lang din ang natitirang pag-asa

kaso nasira dahil sa maling desisyon
dahil sa pagmamahal mo sayong karelasyon
o baka dahilan mo nadala ka ng temtasyon
sana sa kantang to may natutunan kayong leksyon

Wag basta basta ibigay pag kababae mo
sa mga bagong lalake na nakilala mo
marami akong kilalang mga babae
agad nag titiwala at agad nag papadale
Makinig ka sakin kung ayaw mong mapasale
masaya lang yan sa una ngal-ngal ka sa finale.



Credits
Writer(s): Mark Anthony Ching
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link