Huwag Mangamba

Kahit di malinaw 'yong patutunghan Kahit di matanaw
ang kinabukasan Huwag mangamba, lagi kitang pangungunahan
Magtiwala, Ako'y sundan

Lahat ng takot mo'y aking naranasan Lahat ng
hirap mo'y aking naraanan Kailan ako di naasahan?
Kailan kita pinabayaan?
Magtiwala, Ako'y sundan

Huwag mangamba, huwag mabalisa huwag mabahala
Sa ligalig, hindi kita padadakma
Manalig ka, magtiwala at mapayapa Pag-ibig Kong kalasag mo'y sapat na

Kahit di malinaw aking kalooban
O makitid ang pinatatahak kong daan
Asahan mong kapayapaa'y matatamo sa hantungan
Magtiwala, Ako'y sundan

Huwag mangamba, huwag mabalisa huwag mabahala
Sa ligalig, hindi kita padadakma
Manalig ka, magtiwala at mapayapa Pag-ibig Kong kalasag mo'y sapat na



Credits
Writer(s): Manuel V Francisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link