Tuloy Lang

Buksan ang mga mata kung ika'y nakapikit
Subukan mong lumapit, pilitin mong dumikit
Kung mga pangarap ay patuloy na lumalayo
Habulin mo sa'n pa man, simulan ng tumayo
Walang imposible sa pintuang nakasara
Kahit itulak mo'y nakaharang, para bang nakabara
Kahit medyo delikado pagtawid mo sa tulay
Mainit ang lakbay na parang 'di s'ya too good sa Dubai

'Wag kang hihinto, isigaw ng malakas
Pilitin mong abutin, lumipad ka pataas
Walang pwede na magsabi, 'di ka patas na maghari sa mikropono o letra na binibigkas
Ugh, lagi mong isipin ang iyong layunin
Subukang buhatin kahit medyo mabigat
Sungkitin ang mga tala kahit na hinog pa o hinog pa sa alam mo kung kailan ka kakagat

Kahit anong laban, 'di sumuko, tangan to
Ang mikropono, kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa, ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa)
Kahit pa sabihin nila (sabihin nila)
Sa'n ang patutunguhan, dederetso lang

Sa labas ko na napili, maraming mandurugas sa laka at balasubas, may ilan ding maghuhudas
Na 'di ka hahayaang makatapak sa pedestal
Ang makapagbabagsak, ginawa nilang kredensyal
Sa bawat paghakbang, may laging nakaabang
Panganib ay nagbabadya, banta laging nakaabang
Sa 'yo ay dadampa at negatibo na kwento
Pinapalaganap, negatibo sa 'yong kwento

Pero pinatamis ko lahat ng panlalait
Inisip na papuri kahit may tanong kung bakit
Sa isip naglalaro kung kakayanin ko ba 'to na patuloy na maglakbay sa daanan na mabato
Pero 'di ko alintana kahit medyo mabato
Lalakad ng marahan hanggang aking matamo
Tangan-tangan ng mikropono sa kanan kong kamay
Na natatangi na sandata ko sa aking paglalakbay

Kahit anong laban, 'di sumuko, tangan to
Ang mikropono, kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa, ako'y sa tugatog pilit sasampa (pilit sasampa)
Kahit pa sabihin nila (sabihin nila)
Sa'n ang patutunguhan, dederetso lang (dederetso lang)

May mga pagkakataon na 'di ko maintindihan
Lumuha sa isang tabi, sarili ko ay sumbatan
Pagsisibat, ito aking napili na larangan
Ang tagal ko na gumugol bakit 'di ako kabilang
Sa mga tanyag, ako'y nilamon ng inggit
Sila ay nais sapawan kahit na ako'y nakapikit
Binigay ko naman lahat, bakit parang wa epek?
Kahit na ang obra ko ay malupit cool effect

Parang walang sense mabuhay sa aking kultura
Ginto na nga ang sulat ko, binabasura
Parang walang dating kahit maangas ang postura
Ang sakit sa dibdib ko ay parang may bumabasura

Ngunit aking naisip, gumising sa dilat na panaginip
Manalig dahil magbabago din ang bawat ihip
Natatangay sa akin, patungo sa tagumpay
Ang laban 'di ko susukuan kahit pa na habang-buhay
Dahil sa mga inspirasyon na nagpatibay ng loob ko at sandigan sa aking paglalakbay
Panginoon, salamat at binigyan niyo 'ko ng lakas
Kaalyadong mahusay, kaibigan lang, walang katulad

Kahit anong laban, 'di sumuko, tangan to
Ang mikropono, kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa, ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa)
Kahit pa sabihin nila (sabihin nila)
Sa'n ang patutunguhan, dederetso lang (dederetso lang)

Kahit anong laban, 'di sumuko, tangan to
Ang mikropono, kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (lang sa talento ko)

Ano mang mithiin ko, do'n na ako nakipagsapalaran
Kahit sa nais kong gawin, walang masyadong alam
Sa mga bagay-bagay na hinawakan ko na ngayon
Konting kibot lang ay pwedeng magbago ang panahon
Kaya pinilit kong lumapit sa nagturo sa 'kin na humawak, malapit sa
Sumulat kahit papa'no ay
Natutong sumabay at gumawa ng awit mag-isa

Ngayo'y binahagi sa iba ang konting kaalaman na
Nanarating ko na nasa inyo
Salamat sa inyo at nandyan kayo't gumabay
Sa 'kin nagturo ay inyong napunan
Talo sa taong gumugol sa 'kin ng aking kailangan

Kahit anong laban, 'di sumuko, tangan to
Ang mikropono, kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa, ako'y sa tugatog pilit sasampa (pilit sasampa)
Kahit pa sabihin nila (sabihin nila)
Sa'n ang patutunguhan, dederetso lang (dederetso lang)



Credits
Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link