Pakita Mo

Nang sinagot
Mo ako ng oo
Ang dapat ay
Lumigaya na'ko
Nangyari ay
Lalo nang naloko
Ikaw sa akin
Ay nabulilyaso

Ikaw ay makabago
At sunod sa uso
Utak mo ay sa lola mo

Hanggang tingin
Lang ako parati
Titigan lang
At walang masabi
At 'pag ako
Ay umaabante
Ang susunod
Ay hindi na p'wede

Kung nagmamahalan
'Wag nang pahirapan
Dapat ipakita mo, oh, oh

Bakit ka ba gan'yan
Sa akin
Ikaw ba ay tunay ang
Damdamin

Hindi sapat ang pagsagot ng oo
Pakita mo, oh, oh

Sa pag-ibig ay
'Di lang tinginan
Ang oo ay
Parang hangin lamang
Pagmamahal dapat
Din kung minsan
Ay pawalan
At 'wag pipigilan

Kung nagmamahalan
'Wag nang pahirapan
Dapat ipakita mo, oh, oh

Bakit ka ba gan'yan
Sa akin
Ikaw ba ay tunay ang
Damdamin

Hindi sapat ang pagsagot ng oo
Pakita mo, oh, oh

Pakita mo, 'di puro tinginan
Pakita mo, tunay na mahalan
Pakita mo, 'di puro tinginan
Pakita mo, tunay na mahalan
Pakita mo, 'di puro tinginan
Pakita mo, tunay na mahalan



Credits
Writer(s): Homer Flores, Joey De Leon, Marvic Sotto, Tito Sotto
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link