Iingatan Ka

Sa buhay kong ito, tanging pangarap lang
Ang iyong pagmamahal ay makamtan
Kahit na sandali, ikaw ay mamasdan
Ligaya'y tila ba'y walang hanggan

Sana'y 'di na magising kung mangangarap lang din
Kung ang buhay na makulay ay tatahakin
Minsan ay madarapa, minsan din ay luluha
Hindi ka na maninimdim
'Pagkat sa buhay mo ay may nagmamahal pa rin

Iingatan ka, aalagaan ka
Sa puso ko, ikaw ang pag-asa
Sa'ting mundo'y may gagabay sa'yo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa'yo
Aking Inay, ikaw ang nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko ay nakamtan ko na

Sana'y 'di na magising kung nangangarap lang din
Kung ang buhay na makulay ang tatahakin
Minsan ay nadarapa, minsan din ay luluha
'Di ka na ('di ka na) maninimdim (maninimdim)
'Pagkat sa buhay mo ay may nagmamahal pa rin
(Nagmamahal pa rin)

Iingatan ka, alagaan ka
Sa puso ko, ikaw ang pag-asa
Sa'ting mundo, may gagabay sa'yo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking Inay, ikaw ang nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko ay nakamtan ko na

Iingatan ka (iingatan ka), alagaan ka (alagaan ka)
Sa puso ko, ikaw ang pag-asa (Ikaw ang pag-asa)
Sa'ting mundo'y may gagabay sa'yo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking Inay, ikaw ang nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko ay nakamtan ko na

Pangarap ko ay nakamtan ko na
Iingatan ka, aalagaan ka



Credits
Writer(s): Marizen Yaneza-soriano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link