Mahagkan Kang Muli

'Di sinasadya ang makita kang muli
Matagal-tagal nanumbalik kislap sa iyong tingin
Nalimutan nang magtiwala sa 'yong pangako
Ngunit ngayo'y handa na kong muli ilaban ang puso ko

'Di bale na'ng nakaraan
Puso'y sa 'yo pa rin laan
At ang lahat ng paghihirap ay 'di na napapansin
'Pagkat muling nasilayan ang 'yong ngiti
At nahagkan ka nang muli

Nakalipas mo'y 'di kailangan na itago
Dahil ang lahat ay kakayanin ng pag-ibig ko sa 'yo
Magtiwala ka sa sana sa 'king pagsusumamo
'Pagkat handang-handa na 'kong muli ilaban ang puso ko

'Di bale na'ng nakaraan
Puso'y sa 'yo pa rin laan
At ang lahat ng paghihirap ay 'di na napapansin
'Pagkat muling nasilayan ang 'yong ngiti
At nahagkan ka nang muli

Ooh-ooh
Nahagkan ka nang muli



Credits
Writer(s): Nyoy Volante
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link