Bakit Ako Mahihiya - Interlude

Bakit ako mahihiya
Kung ang puso'y sumisinta?
Dapat ko bang ikahiya
Kung iibigin ko, ikaw, sinta?

Bakit ako mahihiya?
Kung sa iyo'y liligaya?
Ang pag-ibig mo lamang
Ang s'yang tanging aliw sa buhay
'Pagkat kita'y minamahal

No'ng kita'y mahalin
'Di ko na inisip ang kinabukasan ko
Ang nadarama ko'y iniibig kita
Pag-ibig na walang maliw

Sabihin man nila na ako'y isang baliw
Kung dahil sa iyo, giliw
Ay tatanggapin kong maluwag sa dibdib
'Pagkat mahal kita

Bakit ako mahihiya?
Kung sa iyo'y liligaya
Ang pag-ibig mo lamang
Ang s'yang tanging aliw sa buhay
'Pagkat kita'y minamahal



Credits
Writer(s): Vergara Pablo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link