Sa Nakalimot at Sa Nakaalala

Lumalabo ang malinaw
Lulubog ay lilitaw
Datihang naaaninag
Ngayon ay 'di matanaw
Mga bago'y lumuluma
At nilulumot din ang lupa
Ultimo ang luha
Natutuyo, nawawala

Bunutin man damo ng nakalipas na
Kung iiwan ang ugat magbabalik s'yang alaala

Mga bagay na naiwan
Papaano babalikan?
Madalas nagiging minsan
Pagbabalik ng nakaraan
Akin pa bang pag-iisipan?
Ang iyong biglang paglisan
Tanggap ko nang lubusan
May darating may daraan

Bunutin man damo ng nakalipas na
Kung iiwan ang ugat magbabalik s'yang alaala

Kung sakaling maalala
Ang mga nakalimutan
Papa'no iiwasan? Tatalikuran? Tatakbuhan?
Ng awiting
Inaalay ko
Ng awiting
Inaalay ko

Sa nakalimot at sa nakaalala
Sa nakalimot at sa nakaalala
Ooh
Sa nakalimot at sa nakaalala
Sa nakalimot at sa nakaalala
Ooh



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link