Idlip

Iilang minuto palang na tayo'y nagkakahiwalay
Ngunit bakit tila parang kay tagal ko nang sayo'y nawalay

Kay bilis namang ako'y iyong hanapin
Ganun din naman ako, sayo'y aamining

Umidlip sa panaginip
Ako'y makakasamang muli
Ang naputol na katotohana'y
Durugtungan sa pagkahimbing
Sa panaginip kong tila pelikula
'Di malulungkot 'pag nawala ka sa eksena
Siguro nga'y nagising ka na ako'y tulog pa
Kailangang bumangon din

Upang makapiling kang muli
Sa pagsikat ng araw
Ngunit bakit tila parang
Kay dilim pa sa labas ang tanglaw

Naiwan ka nga siguro sa panaginip
Parating na ako at iyong hintaying

Umidlip sa panaginip ako'y makakasamang muli
Ang naputol na katotohana'y durugtungan sa pagkahimbing
Sa panaginip kong tila pelikula
'Di malulungkot 'pag nawala ka sa eksena
Siguro nga'y nagising ka na ako'y tulog pa
Kailangang bumangon din

Naiwan ka nga siguro sa panaginip
Parating na ako at iyong hintaying

Umidlip sa panaginip ako'y makakasamang muli
Ang naputol na katotohana'y durugtungan sa pagkahimbing
Sa panaginip kong tila pelikula
'Di malulungkot 'pag nawala ka sa eksena
Siguro nga'y nagising ka na ako'y tulog pa
Kailangang bumangon din

Sa pagkakaidlip



Credits
Writer(s): Kyle Anunciacion
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link