Ngayong Nandito Ka

Akala ko 'di mo kayang magmahal
Sa tulad kong 'di mo dating iniibig
Inalis ko na sa puso at isipan ko ang pag-ibig mo
'Di ko akalaing mahal mo rin ako

Ngayong nandito ka (ngayong nandito ka)
Puso ko'y sumigla (puso ko'y sumigla)
Makulay ang bukay ko (makulay ang buhay ko)
Dahil sa pag-ibig mo (dahil sa pag-ibig mo)
Lahat ay nagbago na ngayong nandito ka, sinta

Noon wala akong inaasahan
Sapat na ang aking kaligayahan
Binuhay mo sa puso kong nalulumbay
At nag-alay ng isang pag-ibig na walang hanggan

Ngayong nandito ka (ngayong nandito ka)
Puso ko'y sumigla (puso ko'y sumigla)
Makulay ang bukay ko (makulay ang buhay ko)
Dahil sa pag-ibig mo (dahil sa pag-ibig mo)
Lahat ay nagbago na ngayong nandito ka, sinta

Salamat sa 'yong pagmamahal (salamat sa 'yo)
Sa pag-ibig mo (sa pag-ibig mo)
Oh, giliw ko
Oh, giliw ko

Ngayong nandito ka (ngayong nandito ka)
Puso ko'y sumigla (puso ko'y sumigla)
Makulay ang bukay ko (makulay ang buhay ko)
Dahil sa pag-ibig mo (dahil sa pag-ibig mo)
Lahat ay nagbago na ngayong nandito ka

Ngayong nandito ka (ngayong nandito ka)
Puso ko'y sumigla (puso ko'y sumigla)
Makulay ang bukay ko (makulay ang buhay ko)
Dahil sa pag-ibig mo (dahil sa pag-ibig mo)
Lahat ay nagbago na ngayong nandito ka, sinta



Credits
Writer(s): Jonathan Florido
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link