Ngayong Nandito Ka

Akala ko, 'di mo kayang magmahal
Sa tulad kong 'di mo dating iniibig
Inalis ko na sa puso at isipan ko ang pag-ibig mo
'Di ko akalaing mahal mo rin ako

Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka, sinta

Noon, wala akong inaasam
Sapat na ang aking kaligayahan
Binuhay mong sa puso kong nalulumbay at nag-alay
Ng isang pag-ibig na walang hanggan

Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka, sinta

Salamat sa 'yong pagmamahal
Sa pag-ibig mo, oh, giliw ko, oh

Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka

Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka, sinta, ooh



Credits
Writer(s): Jonathan Florido
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link