Itatago Na Lang

Sandali lang, teka lang
Bakit ba ako'y nasasaktan?
Sa tuwing makikita kitang may kasamang iba
Bakit ba ganito ang nararamdaman ng puso ko?
'Di naman ako ang pag-ibig mo
Magkaibigan lang naman tayo

Dati 'di ko pansin ang iyong dating
Kahit cute ka pa sa 'king paningin
Ngunit 'di ko sadyang malalaman ito
Ikaw pala ay iniibig ko

Itatago na lang ang damdamin ko
Dahil ayokong malayo sa iyo
Maghihintay lang na mapansin mo
Ang pag-ibig ko, oh, na para lamang sa 'yo

Sandali lang, teka lang
Bakit ba ikaw na lang ang laman?
Sa isipan ko'y hinahanap kita at wala nang iba
Bakit ba ganito ang nararamdaman ng puso ko?
'Di naman ako ang pag-ibig mo
Magkaibigan lang naman tayo

Dati 'di ko pansin ang iyong dating
Kahit cute ka pa sa 'king paningin
Ngunit 'di ko sadyang malalaman ito
Ikaw pala ay iniibig ko

Itatago na lang ang damdamin ko
Dahil ayokong malayo sa iyo
Maghihintay lang na mapansin mo
Ang pag-ibig ko, oh, na para lamang sa 'yo

Itatago na lang ang damdamin ko
Dahil ayokong malayo sa iyo
Maghihintay lang na mapansin mo
Ang pag-ibig ko, oh, na para lamang sa 'yo

Para lamang sa 'yo
Para lamang sa 'yo



Credits
Writer(s): Floramie Villamonte Mamolo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link