Parang Pag-Ibig

Oh-whoa, oh-oh-oh-oh
Oh-whoa, oh-oh-oh

Parang laging tulala at ikaw na lang ang tanging nasa isip
Parang medyo asiwa na nagkabalik-balik sa panaginip
Parang 'di makawala sa bulong ng hangin na iba ang ihip
Para bang (para bang), para lang (para lang), oh

Parang buhos ng ulan ang bugso nitong damdaming umaawit
Parang 'di maintindihan ang kinukutob ng puso kong nadawit
Parang ayaw pagbigyan ang takbo ng pangyayaring sumasapit
Para bang (para bang), para lang (para lang), oh

Parang pag-ibig ang nadarama
Iba'ng pintig, iba'ng kaba
Kung 'di rin lang naman pala
Ayoko nang hulaan pa

Parang pag-ibig ang dinidikta
Ang puso ko'ng tumitimpla
Kaibigan o sinisinta?
Ayoko nang malaman pa

Parang, pa-pa-pa-pa
Parang, pa-pa-pa-pa
Parang mahal na kita
Parang pag-ibig natin ay

Parang may tumutunog na paulit-ulit na kantang harana
Parang may kumakabog na bumibilis-bilis kapag nand'yan ka
Parang may bumubulong na naririnig-rinig 'pag magkasama
Para bang (para bang), para lang (para lang), oh

Parang pag-ibig ang nadarama (nadarama, oh)
Iba'ng pintig, iba'ng kaba
Kung 'di rin lang naman pala
Ayoko nang hulaan pa

Parang pag-ibig ang dinidikta
Ang puso ko'ng tumitimpla
Kaibigan o sinisinta?
Ayoko nang malaman pa

Parang pag-ibig ang nadarama, oh-whoa
Iba'ng pintig, iba'ng kaba
Kung 'di rin lang naman pala
Ayoko nang hulaan pa

Parang pag-ibig ang dinidikta
Ang puso ko'ng tumitimpla
Kaibigan o sinisinta?
Ayoko nang malaman pa

Parang, pa-pa-pa-pa
Parang, pa-pa-pa-pa
Parang mahal na kita
Parang pag-ibig natin ay
Parang pag-ibig natin ay



Credits
Writer(s): Proceso Gideon Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link