Kape

Dalawang silya at isang mesa
Dalawang kaluluwang ikinukuwento ang kani-kanyang istorya
May tig-isang tasa, unti-unting kinikilala ang bawat isa
'Yan lang naman ang nais kong magawa
Ang dahilan kung bakit nais kang makasama
Kaya isinulat ko ang kantang ito

Upang ipahayag at ipaliwanag ang malinis na hangaring
Gusto ko lang lumalim ang pagkakakilala ko
Sa babae na hindi lang aking mata pati puso ko'y nahuli
'Wag mo sanang mamasamain
Hinding-hindi ko sinasabing iyong madaliin
Baka lang sakaling biglang magbago ang 'yong isip

Pumayag ka't saluhan ako sa isang tasang kape, eh-eh
Baka pwedeng kahit sandali makasama kitang magkape, eh-eh
'Di na baleng kahit sa'ng parte ng mundo, basta't kasama kita
Nais lamang makilala ka pa, sana nga pumayag ka na

Ikaw na'ng may sabi, 'di ka komportable
Kasi you've never been on a date before
At 'di ka rin sure kung mapagkakatiwalaan mo ba ang isang tulad ko
Hayaan mong sabihin ko sa iyong 'di ko inaasahan na magustuhan mo ako
Nais ko lang malaman kung ano ba'ng mayro'n sa 'yo
At ako'y napapanata sa Diyos

Hiniling na sana mabigyan ng pagkakataong makilala ka't magkape, eh-eh
Baka pwedeng kahit sandali makasama kitang magkape, eh-eh
'Di na baleng kahit sa'ng parte ng mundo, basta't kasama kita
Nais lamang makilala ka pa, sige na, pumayag ka na

Ayoko lang naman ang manghinayang
Pagsisihan na 'di ko sinubukang makilala ka't
Makilala mo rin ako at kung mangyayaring magustuhan mo

Do'n natin simulan ating kuwentuhan sa isang tasang kape, eh-eh
Baka pwedeng kahit sandali makasama kitang magkape, eh-eh
'Di na baleng kahit sa'ng parte ng mundo, basta't kasama kita
Nais lamang makilala ka pa, sige na, pumayag ka na, woah-ooh

Sige na, oh, please naman, pumayag ka na



Credits
Writer(s): Davey Langit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link