Breaksary

Bubuksan ang TV at hahanap na mapapanood
'Pag walang mahanap magpi-PS3 na lang ako
'Pag nabagot magluluto ng kahit ano
Kahit hindi nagugutom ay kakain ako
Maibsan lamang ang kalungkutan ko

Tatawagan ang kaibigan at magbabakasakali ako
Na wala silang mga lakad at masasamahan nila ako
Kung hindi sila pu-pwede, i-gitara na lang
Susubukan ko na lang ang magsulat ng kanta
Maibsan lamang ang kalungkutang dulot ng aking pag-iisa, ah-ah

Dahil isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo'y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu't limang gabi
Ito ang ating breaksary

'Di ko rin naman kailangan maghanap ng bagong kasintahan
'Yan kasi ang laging payo sa 'kin ng aking mga kaibigan
'Di ko rin iniisip makipagbalikan sa 'yo
Ang kailangan kong ayusin ay ang aking mundo
Maibsan lamang ang kalungkutang dulot ng aking pag-iisa, ah-ah

Dahil isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo'y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu't limang gabi
Ito ang ating breaksary

Ang hirap pala nang mag-isa
Nasanay kasing nand'yan ka

Dahil isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo'y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu't limang gabi
Ito ang ating, ito ang ating

Oh, isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo'y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu't limang gabi
Ito ang ating, ito ang ating
Ito ang ating breaksary



Credits
Writer(s): Davey Langit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link