Ikaw Lang

Simula nang tayo'y pinagtagpo
Kalungkutan ay naglaho
Biyaya ka sa 'kin ng Maykapal
Ikaw lang ang dinarasal

Sa piling mo'y napupuno ng
Hiwaga at ng mahika

Ikaw lang ang laman ng puso't isipan
Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa, tayong dal'wa
Wala nang iba pang aangat, ikaw lang

Damdamin ay gumagaan
Sa t'wing ikaw ang nasisilayan
Sa bawat oras na kasama ka
Ang puso ko'y tumutula

Sa piling mo'y napupuno ng
Hiwaga at ng mahika

Ikaw lang ang laman ng puso't isipan
Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa, tayong dal'wa
Wala nang iba pang aangat, ikaw lang

Ang nagbibigay ng kasiyahan
Ikaw lang (ikaw lang) at wala nang iba
Wala nang iba

Ikaw lang ang laman ng puso't isipan
Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa, tayong dal'wa
Wala nang iba pang aangat

(Ikaw lang) Ikaw lang ang laman ng puso't isipan
(Whoa) Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa, tayong dal'wa
Wala nang iba pang aangat, ikaw lang

Ikaw lang
Ikaw lang
Ikaw lang
Ikaw lang



Credits
Writer(s): Jireh Lim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link