Buwelo

Nakatulala tuwing gabi
Iniisip ang 'yong mga ngiti
Damdamin ay hindi mapakali
Ang puso ay bumibilis ang pintig

Sa bawat oras na nakikita ka
Paligid ko'y nag-iiba ang pinta
Malayo pa lang, tanaw na kita
Sabay tayo pagsulyap ng 'yong mga mata

Hinahanap 'pag wala ka
'Pag nand'yan ka na ay 'di na 'ko makasalita

Nananabik makatabi
Pero nanlalambot ang tuhod 'pag nand'yan ka
Wala 'kong maibuga
Nakatingin sa sahig 'pag lumalapit ka na

Naisip kong sumulat na lang
Doon ko ipahiwatig sa 'yo
Damdamin kong hindi mapakawalan
Hanggang tingin na lang ba 'ko sa 'yo?

Hinahanap 'pag wala ka
'Pag nand'yan ka na ay 'di na 'ko makasalita

Nananabik makatabi
Pero nanlalambot ang tuhod 'pag nand'yan ka
Wala 'kong maibuga
Nakatingin sa sahig 'pag lumalapit ka na

Sinasabi ko nga
Na bumubuwelo lang ako (bumubuwelo lang ako)
Araw-araw na gan'to
Maitatago ko pa kaya ito?

Nananabik makatabi
Pero nanlalambot ang tuhod 'pag nand'yan ka
Wala 'kong maibuga
Nakatingin sa sahig 'pag lumalapit ka na

(Mahal kita) Nananabik makatabi
Pero nanlalambot ang tuhod 'pag nand'yan ka
Wala 'kong maibuga
Nakatingin sa sahig 'pag lumalapit ka na, hah

Hindi ako torpe
Hindi ako torpe
Hindi ako torpe
Bumubuwelo lang ako



Credits
Writer(s): Jireh Lim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link