Sa Hirap at Ginhawa

Sa hirap at ginhawa
Sa hirap at ginhawa, sa hirap at ginhawa
Tayo ay magkasama, sa lungkot man o saya
Sa hirap, sa hirap man at ginhawa

Parang kailan lang nang tayo'y nagsumpaan
Sa harap ng altar, kamag-anak, at mga kaibigan
Na magmamahalan hanggang kamatayan
'Di magtataksil, manatiling tapat magpakailan pa man

Ilang taon ang nagdaan, ngunit parang kahapon lang
Lalo pang tumatamis, wagas na pag-iibigan
Magkatuwang, bawat hakbang, magkasangga sa kabiguan
Magkahawak-kamay sa tuwing may alinlangan at lumbay

Sa hirap at ginhawa
Sa hirap at ginhawa, sa hirap at ginhawa
Tayo ay magkasama, sa lungkot man o saya
Sa hirap, sa hirap man at ginhawa

Hanggang sa pagtanda, kahit uugod-ugod na
Kulubot na'ng mga mukha, puting buhok, o kalbo na
Huling tibok ng aking puso, pangalan mo'y maririnig mo
Kahit may tungkod na, tayo paring dalawa, sinta

Sa hirap
Sa hirap at ginhawa, sa hirap at ginhawa
Tayo ay magkasama, sa lungkot man o saya
Sa hirap, sa hirap, sa hirap at ginhawa

Sa hirap, sa hirap at ginhawa



Credits
Writer(s): Avelino Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link