Halik Mo'y Diko Malilimutan

Pinilit kong kalimutan ka
Sa puso ko at diwa
Ano ba itong nadarama?
Ba't sa isip 'di ka mawala?

Mukha mo'y laging nakikita
Dulot sa 'kin ay pag-asa
Habang noo mo'y haplos, sinta
Ngiti ko sa iyo'y 'di nawawala

Halik mo'y 'di ko makalimutan
Dahil sobrang tamis nang ako'y hinagkan
Mahigpit mong yakap na iyong pinakawalan
Lunas sa labis kong kalungkutan

Lagi kitang naaalala
Kahit sa pagtulog, panaginip ka
Alam kong ito'y pag-ibig na
Wala nang makakapigil pa

Halik mo'y 'di ko makalimutan
Dahil sobrang tamis nang ako'y hinagkan
Mahigpit mong yakap na iyong pinakawalan
Lunas sa labis kong kalungkutan

Halik mo'y 'di ko makalimutan
Dahil sobrang tamis nang ako'y hinagkan
Mahigpit mong yakap na iyong pinakawalan
Lunas sa labis kong kalungkutan

Mahigpit mong yakap na iyong pinakawalan
Lunas sa labis kong kalungkutan



Credits
Writer(s): Avelino N Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link