Lilipad

Musmos pa ang isip
Saksi na ang langit
Sa sigla ng aking daigdig
Kaibigan ko'y araw hatid ay liwanag
Sa bawat nais marating

Ano nga ba'ng taglay ng hanging habagat
Ang hiwaga ng isang pangarap
Sa lakas ng ihip ako ay napadpad
Narating ang bughaw na ulap

Tinig ko'y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang
Sa hangad ng puso tinig ko'y lilipad

Ang alon ng tubig na siyang aking himig
Unti-unting naririnig
Habang mga tala'y sadyang gumuguhit
Mga titik ng aking awit

Karamay ko ang buong kalawakan
Na umukit sa tamang daan (na umukit sa tamang daan)
Buong tapang handang ako ay gabayan
Abutin man ng kailanman

Tinig ko'y lilipad (tinig ko'y lilipad)
Ang samyo ng hangin ay yakap (ay yakap)
At walang hahadlang (at walang hahadlang)
Sa hangad ng puso tinig ko'y lilipad

Maghihintay (maghihintay)
'Di mapapagod sa paglalakbay (maghihintay paglalakbay)
Makakamit ang tagumpay (yeah)

Tinig ko'y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang
Sa hangad ng puso tinig ko'y

Tinig ko'y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap (samyo ng hangin)
At walang hahadlang (at walang hahadlang)
Sa hangad ng puso tinig ko'y

Tinig ko'y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang (hahadlang)
Tinig ko'y lilipad (sa hangad ng puso)
(Tinig ko'y lilipad)
Sa hangad ng puso tinig ko'y lilipad



Credits
Writer(s): Mark Nievas, Melvin Morallos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link