Kagabi Nanaginip Si Morrissey Na May Nagmamahal Sa Kanya

Pikit-matang nag-aabang
Sa pagdating ng nakahuhumaling na panaginip
Kung saan lahat ay tama
'Pagkat ika'y kapiling

Ngunit sa aking paggisng
Ang araw ay sisikat din
Ako'y mawawalan ng mapapaniwalaang...

Kathang-isip na panaginip
Minsan, ang ligaya, mawawalang parang bula
Sino'ng niloloko nitong pangarap kong wala namang laman?
At bakit ba ganyan?

Ngunit sa aking paggising
Ang araw ay sisikat din
At ako'y mawawalan ng mapapaniwalaang...

Ngunit sa aking paggising
Ang araw ay sisikat din
Ako'y mawawalan ng mapapaniwalaang ikaw



Credits
Writer(s): Ang Bandang Shirley
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link