Di Ko Ma-take

Kumupit ka ng isang saglit
Luwagan iyong inip
Sumabay ka sa awit

Gumupit ka mula sa 'yong papel
At kulayan ng pastel
Ang iyong bangkang papel

At palutangin sa may kanal
Sabay buga ng hininga
Halika't sundan natin kung saan dalhin ng tubig
Hinigop na ng imburnal

Sinumpit ka sa iyong tainga
Tumagos sa iyong mata
At ika'y napaluha

Sumigaw, sumayaw at sumawsaw
Pahingi pa ng lugaw
At isang baldeng sabaw

Higupin nang kumukulo
Sabay tulo ng 'yong sipon
Papunta sa 'yong tasa kung saan ngayo'y nagsama
Ang sabaw at 'yong sipon

'Di ko ma-take, 'di ko ma-take

Kumupit ka ng isang saglit
Luwagan iyong inip
Sumabay ka sa awit

Sinumpit ka sa iyong tainga
Tumagos sa iyong mata
At ika'y napaluha

Ngayon, ako'y natulala
At 'di makapagsalita
Pa-ra-pa-pa-pa-pa, pa-ra-ra-ra-pa-pa-pa-pa
Pa-ra-pa-pa-pa-pa-pa

'Di ko ma-take, 'di ko ma-take
'Di ko ma-take, 'di ko ma-take



Credits
Writer(s): Ang Bandang Shirley
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link