Hati Nalang Tayo Sa Kanya

Nagtitiis kahit nasasaktan
'Wag niya lamang akong tuluyang iwanan
Hapdi at bigat ng nararamdaman
Ang panglalamig nang aking nalaman

Sino nga ba ang biktima sa 'ting dalawa
Ngayong pareho na tayong kailangan siya?
Handa 'kong magbigay at magpaparaya
'Wag mo lamang tuluyang kunin siya

Pwede bang hati na lang tayo sa kanya?
Sa 'kin sa gabi, sa 'yo sa umaga
Pwede bang minsan mo na lang hiramin ang pag-ibig niya?
Hati na lang, hati na lang tayo sa kanya

Nagtitiis 'pag kapiling mo siya
Habang kayo'y masaya, ako'y nagdurusa
Ikukubli aking nalalaman
Kung kukunin mo siya, du'n kita pipigilan

Sino nga ba ang biktima sa 'ting dalawa
Ngayong pareho na nating kailangan siya?
Handa 'kong magbigay at magpaparaya
'Wag mo lamang tuluyang kunin siya

Pwede bang hati na lang tayo sa kanya?
Sa 'kin sa gabi, sa 'yo sa umaga
Pwede bang minsan mo na lang hiramin ang pag-ibig niya?
Hati na lang, hati na lang tayo sa kanya

Isang umaga, nagising akong wala ka
Isang bakanteng unan at isang maluwag na kama
Hindi mo nakuhang magpaalam kung sa'n ka pupunta
O baka naman nalaman mong mayro'n na 'kong iba at 'di mo kinaya?
Sa wakas, malaya na kaming makakapagsama
Hindi na namin kailangan magtago para walang makakita
Hindi na paulit-ulit itatanggi ang iyong mga pagdududa
Ngunit sa kabila ng masama kong hangarin, bigla kong naalala

Nu'ng una kitang sinuyo at niligawan
Isang matamis na ngiti sa bawat matamis na salita kong binitawan
Na magiging matatag tayo kahit anuman ang pagdaanan
Pero naging marupok ako sa tukso at 'di ko 'to nakuhang labanan
Agad kitang hinanap, niyapos nang mahigpit na yakap
Na kahit hindi ka magsalita, ang mga luha sa 'yong mga mata'y nangungusap
Tinawag kitang baliw at wala sa katinuan
Pero ako pala 'tong mas malaki ang pagkukulang

Pwede bang hati na lang tayo sa kanya?
Sa 'kin sa gabi, sa 'yo sa umaga
Pwede bang minsan mo na lang hiramin ang pag-ibig niya?
Hati na lang, hati na lang tayo sa kanya



Credits
Writer(s): Joseph Santiago
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link