Wakasan

Hindi man ikaw at ako
Sa kabanatang lagi akong talo
Kayo ang bida, ako ang kontrabida
Sa kuwentong lagi na lang akong umaasa

Mananalangin sa May-akda
Baka-sakaling may magawa
Ang kapalarang ikaw-ako
Sana nama'y itadhana

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang sa wakas

'Di man ikaw at ako
Sa mga kuwentong wala sa kuwadro
Sa mga istoryang bitin at alanganin
Ng mga nobela, comics at magazine

Mananalangin sa May-akda
Baka sakaling pagbigyan
Ang kuwentong ikaw-ako naman
Ang aabangan, tutunghayan

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang...

Sa dulo ay lalaban
Walang alinlangan, patuloy lang ako
Kahit na maubusan
'Di papatalo, makuha lang ang gusto ko, oh

La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
La-la, la-la, la-la-la, la-la-la

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako, maghihintay ako
Maghihintay ako sa wakas, whoa



Credits
Writer(s): Philip Arvin Jarilla
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link