Pagkagising ko

Hindi ko hinangad yaman ni Lucio Tan
Ang tanging kailangan
Makita ka at mahagkan

'Pagkat 'di makangiti
Lungkot ko ay kinukubli
Gusto ko nang umuwi
Heto na't nagmamadali

'Pag uwi isa lang ang hinihiling
Ang makapiling ka hanggang mahimbing

At pagkagising ko sa piling mo
Masaya na ako, may kayakap ako
At pagkagising ko sa piling mo
Masaya na ako, parang laging pasko

Oh woah woah

Wala nang hahanapin
Nandyan ka, sapat na sa'kin
Umagang may liwanag
May kape pa sa hapag

'Pag uwi isa lang ang hinihiling
Ang makapiling ka hanggang mahimbing

At pagkagising ko sa piling mo
Masaya na ako, may kayakap ako
At pagkagising ko sa piling mo
Masaya na ako, parang laging pasko

Dumadalas akong nalalayo sa'yo
Iba pa rin ang magising sa piling mo

Pagkagising ko sa piling mo
Masaya na ako, may kayakap ako
Pagkagising ko sa piling mo
Gusto kong tumalon, parang bagong taon

At pagkagising ko sa piling mo
Masaya na ako, may kayakap ako
At pagkagising ko sa piling mo
Masaya na ako, parang laging pasko

At pagkagising ko sa piling mo

Oh oh oh
Oh oh woah oh



Credits
Writer(s): William Genesis Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link