Di Mo Na Kailangan Pang Malaman

Hindi mo na kailangan pang malaman
Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo kailangan pang malaman na

Kuntento na sa kwentong inembento sa isipan ko
Kunwari raw ay tayong dalawa
Pa'no ba dalhin 'tong bumabalentong
Nagtatalong puso't isip ko
Ako'y nahihirapan na

Dahil hindi na maari
At 'di na ako pwedeng magbakasakali
Ayoko lang na tayo'y magkailangan
Sa tingin ko'y kailangan ko na lamang
Sarilinin at ilihim mas maigi nang

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh, oh, hindi mo na kailangan pang malaman na

Ninanakaw ang bawat pagtanaw
Baka mahalata mo na sa'yo iba ang kilos ko't galaw
Okay na ako dito sa kung ano tayo
'Di nagrereklamo
Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar

Dahil meron nag nagmamay-ari
At 'di na ako pwedeng magbakasakali
Ayoko lang na tayo'y magkailangan
Sa tingin ko'y kailangan ko na lamang
Sarilinin at ilihim mas maigi nang

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh, oh, hindi mo na kailangan pang malaman na

Kay tagal, tagal, tagal ko nang
Pinapangarap oh, pa'no kaya kung naging tayo na lang
Pero hindi na bale, alam ko naman hindi pwede

Sigurado na dehado mas maigi na siguro na
Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh, oh, hindi mo na kailangan pang malaman
Ooh, ooh, woah

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh, oh, hindi mo na kailangan pang malaman na
'Di mo na kailanagn pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman



Credits
Writer(s): Davey Ryan Edward Langit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link