Akala Ko

Bago pa lang akong natututong lumimot
Gumigising sa umaga na wala ka sa ala-ala
Sa bawat plano kong natutupad kahit wala ka
Ako ay masaya, pagka't ako'y okay na

Hindi ka na sumasagi sa aking isipan
Tuwing naaaninag dati nating mga tagpuan
Kapag naririnig mga awit
Pangalan mo'y di na nasasambit

Hanggang sa makita kita
Gumulong muli aking mundo
Akala ko'y okay na
Akala'y di na mangangamba
Hanggang sa makita kita
Aaminin ko na
Akala koy limot ko na
Hindi pa rin pala

Nagsimula na naman
Makita ka sa panaginip
Tunog ng boses mo aking naririnig
Nagbabalik kung paano kita pinangarap
At iyong tinupad ngunit binawi ring lahat

Luha'y dumadaloy muli
Na dati natahan na
Muling nabuhay ang pagsinta
Akala ko'y naglaho na

Hanggang sa makita kita
Gumulong muli aking mundo
Akala ko'y okay na
Sa puso ko'y wala ka na
Hanggang sa makita kita
Aaminin ko na
Akala koy limot ko na
Hindi pa rin pala

Instrumental break

Oohh
Hanggang sa makita kita
Gumulong muli aking mundo
Akala ko'y okay na
Akala'y di na mangangamba
Hanggang sa makita kita
Aaminin ko na
Akala koy limot ko na
Hindi pa rin pala
Hanggang sa makita kita
Gumulong muli aking mundo
Akala ko'y okay na
Sa puso ko'y wala ka na
Hanggang sa makita kita
Aaminin ko na
Akala koy limot ko na (limot ko na)
Hindi pa rin pala

Akala koy limot ko na
Hindi pa rin pala
Oohh



Credits
Writer(s): Diane Masaganda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link