Pagbigyang Muli

Muli ay 'yong pagbigyan
Ako'y nagkamali
Muli ay 'yong patawarin
Ako'y nagsisisi
Alam kong ako'y nangakong 'di na mauulit pa
Ako'y nagkamali sa'yo
Muli ay patawarin mo

Ako ba'y 'yong yayakapin?
Nakaraa'y kayang limutin?
Magtiwalang muli
Mahalin mong muli
Magbalik ka sa'kin

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin (muling tanggapin)

Muli ay 'yong pagbigyan
Pag-ibig natin
Sabihin mo sa akin
Ang 'yong gusto'y susundin
Magtiwalang 'di sinasadyang maging 'di tapat sa'yo
Nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ginusto

Ako pa ba'y kayang yakapin?
Ang init ng halik sa akin
Kaya bang ibalik?
Dama ang bawat saglit ng sakit ngayong wala ka na

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling ('Di ko kakayanin)
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin ('Di ko kakayanin)
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y

Muling tanggapin
Muling mahalin
'Di kakayaning ika'y mawala sa aking piling
Muling tanggapin
Ika'y magbalik, magtiwalang muli
Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin
'Pagkat... ('Pagkat)

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling ('Di ko kakayanin)
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita ('Di kayang mag-isa)
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali (Pangako ko sa'yo lang ako)
Pag-ibig ko'y muling tanggapin, ooh

Muling tanggapin
Muling tanggapin



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link