Nais

Nais kong makarating
Sa dulo ng bahaghari
Kasama ka't tayo ay hihiling
Na sana ay mangyari

Masdan ang buwan
Humudyat ako
Para sa 'yo
Dinggin ang hangin
Bumubulong ako, ooh

Sa 'yo, sa 'yo ang puso ko
Walang takdang panahon
Ang susundin nito
Magpakailanman ang siyang nais
Yan lang ang panalangin ko

Nais kong maglakbay
Sa walang hanggang daan
'Di na baleng magpakalayo kayo't
Kasama ka naman

Dinggin ang tibok
Sumisigaw ako, ooh ooh

Sa 'yo, sa 'yo ang puso ko
Walang takdang panahon
Ang susundin nito
Magpakailanman ang siyang nais
Yan lang ang panalangin ko

Ooh ooh
Hindi ako magbabago
Ooh ooh
Sa 'yo lang ako
Magsasama hanggang sa hangganan na walang dulo
Ang pangako

Sa 'yo, sa 'yo ang puso ko
At sa lahat ng panahon
Ikaw ang susundin nito
Magpakailanman ang siyang nais
Yan lang ang panalangin ko

Ooh ooh
Ooh ooh
Ooh
Sa 'yo, sa 'yo

Ikaw lang ang nais ko



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Robert Calma Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link