Tayong Dalawa

Umaga hapon maging sa gabi
Magkahawak kamay magkatabi
Kailanma'y di mapapaghiwalay
Tayong dalawa habang buhay

Masdan ang liwanag mga bituin
Nagsasabay sa pagbigay liwanag sa dilim
Katulad natin nais gawing gabay ng iba
Tinutularan nila tayong dalawa

Sa mundong puno ng pasakit
Tayo ay pinagpalang tunay
Na magkatagpo mabuhay
Para sa isa't isa

Dalangin ko sana'y marami pang iba
Ang maging kasing saya nating dalawa

At kung dalangin ko'y kanyang dinggin
Magiging paraiso ang munting mundo natin
Tunay na ligaya nawa'y mahanap ng iba
Tulad nating kay palad na magsama
Ikaw at ako tayong dalawa



Credits
Writer(s): Katrina "trina" Belamide
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link