Pangarap ko Ang Ibigin Ka (Version 3)

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y 'di marinig
'Pagka't namamangha 'pag kausap ka

Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
Oh, kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin

Aking hinihiling na sabihin mo
Ang binubulong ng 'yong puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Oh, kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at 'di magwawakas (oh)

Pangarap ko ang ibigin ka
(Buong tiwala ang aking hinihiling)
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
('Pagka't ikaw lang ang aking mamahalin)
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Pangarap ko ang ibigin ka
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko (pangarap ko)
Pangarap ko (pangarap ko) ang ibigin ka



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link