Ikot-Ikot

Heto na naman tayo, parang kailan lang nang huli
Gaano man kalayo, tayo'y pinagtatagpong muli
Ilang ulit nagkasakitan, ngunit paulit na gumagaling
Ilang ulit balak na iwan, ngunit patuloy na bumabalik

Kay rami nang sakit na nilimot, napabayaan
'Di maiwasang isipin na tayo'y para bang

Tumatakbo sa walang-hanggan na kalye
Tumatakbo, ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot

Heto na naman tayo, damdamin natin ay bumubugso
Tayo ay muling napaso, pintig ng puso ay lumulusong
Bakit pa ba hinahayaan? Minsan inisip, lumayo na lang
Ngunit hindi kita maiwan, mahal pa rin kita ngayon pa man

Kay rami nang sakit na nilimot, napabayaan
'Di maiwasang isipin na tayo'y para bang

Tumatakbo sa walang-hanggan na kalye
Tumatakbo (tumatakbo), ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang (paikot-ikot-ikot lang)
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang (ikot-ikot-ikot lang)
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot

Araw-araw, dulo't dulo, may unos na dumaratal
Ano nga ba'ng puno't dulo? Bakit nagtatagal?

Kay rami nang sakit na nilimot, napabayaan
'Di maiwasang isipin na tayo'y para bang

Tumatakbo sa walang-hanggan na kalye
Tumatakbo, ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot

Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot

Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link