Tayo

Nasubukan mo na bang ipagpalit?
Nakalimutan o kaya nasantabi?
Nasabihan nang mismo ka
Ngunit 'di para sa kanya

Nasubukan mo na bang mapagsabay?
Nabitawan ang kanyang mga kamay?
Tanda mo nang iniwanan ka niya
Kay sakit naman, 'di ba?

Ulit-ulit na dahilan
Nariyan pa rin, nasasaktan
Dinggin ang awiting nagsasabing bumangon

Awit na para sa mga pusong nadapa (tayo, oh-oh-oh)
Matutong tumingala (tayo, oh-oh-oh)
Sa 'tin na umibig at laging dehado
'Wag magpapatalo, tayo

Oh-oh-oh-oh-oh (tayo, oh-oh-oh)
Oh-oh-oh-oh-oh-oh (tayo, oh-oh-oh)
Sa 'tin na umibig at laging dehado
'Wag magpapatalo, tayo

Palusot, dahilan, yoon pala'y
Pinagpalit ka lang pala sa may sablay
Masabihan ng 'di pa handa
Para sa pag-ibig mo

Nasabihan ka na ba ng "Ayoko na"?
O kaya "Mas masaya ako sa kanya"?
Baka naman nagsasawa na siya
Kay sakit naman, 'di ba?

Ulit-ulit na dahilan
Nariyan pa rin, nasasaktan
Dinggin ang awiting nagsasabing bumangon

Awit na para sa mga pusong nadapa (tayo, oh-oh-oh)
Matutong tumingala (tayo, oh-oh-oh)
Sa 'tin na umibig at laging dehado
'Wag magpapatalo, tayo

Oh-oh-oh-oh-oh (tayo, oh-oh-oh)
Oh-oh-oh-oh-oh-oh (tayo, oh-oh-oh)
Sa 'tin na umibig at laging dehado
'Wag magpapatalo, tayo

Tayo, tayo, tayo
'Wag magpapatalo, tayo
Dinggin ang awiting nagsasabing bumangon

Awit na para sa mga pusong nadapa (tayo, oh-oh-oh)
Matutong tumingala (tayo, oh-oh-oh)
Sa 'tin na umibig at laging dehado
'Wag magpapatalo, tayo

Oh-oh-oh-oh-oh (tayo, oh-oh-oh)
Oh-oh-oh-oh-oh-oh (tayo, oh-oh-oh)
Sa 'tin na umibig at laging dehado
'Wag magpapatalo, tayo



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link