Sabi Nila

Sabi nila
Hindi raw tayo para sa isa't isa
Hindi raw tayo handang magpalaya ng kahapon
Kaya ngayon tayo'y nag-iisa

Sabi nila
Hindi raw nagtampo sa tamang panahon
Marahil ay lumilingon pa rin sa mga sakit
Na dala ng unang pagsubok

Sabi nila
Hindi raw tayo agad sasaya
Kailangan munang namnamin ang timpla ng panahon
Ngunit ngayon ay nasaan ka na

Naririnig mo ba
Ang tawag ng alaala
Bawat sandaling nagkasama
Ikaw rin ba
Ako pa rin ba
Ako pa rin ba
Ako pa rin ba

Ako lang ba
O naghihintay ka lang ng aking salita
Hinahayaang dalhin ka ng pagkakataon
Sa pintuan mong bukas sara

Ako na ba
Ang papawi sa iyong mga Kaba
Ang magbibigay ngiti sa iyong umaga
Ngunit bakit ikaw ay nawala

Naririnig mo ba
Ang tawag ng alaala
Bawat sandaling nagkasama
Ikaw rin ba
Ako pa rin ba
Ako pa rin ba
Ako pa rin ba

Naririnig mo ba
Ang tawag ng alaala
Bawat sandaling nagkasama
Ikaw rin ba
Ako pa rin ba
Ako pa rin ba
Ako pa rin ba



Credits
Writer(s): Nicole Macapagal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link