Tahan Na

Bulong ng tubig
Lumapit sa akin, sabay natin haharapin
Lahat ng pasakit, aking aakuin
Umagos lang sa aking hardin

Tahan na, sandal ka lang
At tayo rin ay magsasama pa
Tahan na, 'wag mabahala
At tayo rin ay lalaya pa

Suntok sa buwan ang inaasam
Ang buhay ay walang hanggan
Sa isang iglip ika'y manalig
Ang bukas din ay may kapalit

Tahan na, sandal ka lang
At tayo rin ay magsasama pa
Tahan na, 'wag mabahala
At tayo rin ay lalaya pa

Balik tanaw sa ating lahi
Ibaling mo ang iyong hiling
Hayaan mong magningning
Sa puso't isipan tayo-tayo pa rin
Balik tanaw sa ating lahi
Ibaling mo ang iyong hiling
Hayaan mong magningning
Sa puso't isipan tayo-tayo pa rin
Balik tanaw sa ating lahi
Ibaling mo ang iyong hiling
Hayaan mong magningning
Sa puso't isipan tayo-tayo pa rin
Balik tanaw...

Tahan na, sandal ka lang
At tayo rin ay magsasama pa



Credits
Writer(s): Rice Lucido
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link