Isang Gabing Pag-ibig

Parang kahapon lang
Hindi ko malilimutan
Una't huling pagkikita
Bata pa noon ang isip
Tila isang panaginip
Lang na naglahong bigla

Bakit paulit-ulit kong
Binabalikan ang simula
Kung wala namang nangyari 'di ba
Isang gabing pag-ibig
Parang nasa langit
'Di ko maipinta
Kung dapat matuwa
Isang gabing pag-ibig

Posible bang mahulog nang saglit
Ano ang dahilan
Kung ba't ako nasasaktan
Isang gabing pag-ibig

Sa pagbangon ko
Tanaw pa rin
Ang bawat sandaling
Nahagkan ka panandalian
Tinig mo na
Nagsilbing siphayo sa
Isipan ko
Malalampasan ba ito

Bakit paulit-ulit kong
Binabalikan ang simula
Kung wala namang nangyari 'di ba
Isang gabing pag-ibig
Parang nasa langit
'Di ko maipinta

Kung dapat matuwa
Isang gabing pag-ibig
Posible bang mahulog nang saglit
Ano ang dahilan
Kung ba't ako nasasaktan
Sa dinami-dami ng

Makikilalang tao
Anong karapatan
Ba'ng meron dapat tayo
Maiiwasan ba'ng sakit
Na'ng puso'y 'di na maipit
Bakit nga ba
Bakit nga ba
Oh bakit nga ba
Kita'y naaalala

Isang gabing pag-ibig
(Isang gabing pag-ibig)
Parang nasa langit
(Parang nasa langit)
'Di ko maipinta
('Di ko maipinta)
Kung dapat matuwa
Isang gabing pag-ibig
(Isang gabing pag-ibig)

Posible bang mahulog nang saglit
(Posible bang mahulog nang saglit)
Ano ang dahilan
Kung ba't ako nasasaktan
Isang gabing pag-ibig
Isang gabing pag-ibig
Lang naman



Credits
Writer(s): Carlo David
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link