Kariton

Tinulak niyang muli, sinimulan ang maglakad
Bitbit ang mga sakali kung san man ipadpad
Ng baskagang kahoy, may tagping mga kawayan
Pira-pirasong yero kinabit sa tatangnan

Gulong na binalot ng hinating mga goma
Na kahapon lamang ay sapin ng kanyang paa

Sa loob ay naroon
Ang mag-inang nagugutom
Sa mga dinadaing nila
Bibig niya ay nakatikom
Ngunit

Patuloy ang ikot sa mundong malikot
Ang buhay-kariton ni manong
Patuloy ang sulong ng gulong na maalog
Ang buhay-kariton ni manong

Huwag sanang malubak, huwag sanang masilat
Ang buhay-kariton ni manong
Baka mahulog, baka malubog
Ang buhay-kariton ni manong

Tinulak nang muli, tuloy ang paglakad
Bitbit ang mga baka may makuha't may mapala
Sa basurang kinakalkal hanap ay pangalakal
Kapalit ay kaunting barya, pangkain ng mag-ina

Baryang binalot sa madungis na supot
Pambili ng pagkain nila sa maghapon

Sa loob ay naroon
Ang mag-inang nakangiti
Sa mga halik at yakap nila
Lungkot niya ay napapawi
Oh woah

Patuloy ang ikot sa mundong malikot
Ang buhay-kariton ni manong
Patuloy ang sulong ng gulong na maalog
Ang buhay-kariton ni manong

Huwag sanang malubak, huwag sanang masilat
Ang buhay-kariton ni manong
Baka mahulog, baka malubog
Ang buhay-kariton ni manong

Patuloy ang ikot sa mundong malikot
Ang buhay-kariton ni manong
Patuloy ang sulong ng gulong na maalog
Ang buhay-kariton ni manong

Huwag sanang malubak, huwag sanang masilat
Ang buhay-kariton ni manong
Baka mahulog, baka malubog
Ang buhay-kariton ni manong

(Patuloy sulong)

Tinulak niyang muli, sinimulan ang maglakad
Bitbit ang baka sakali kung saan man ipadpad



Credits
Writer(s): Philip Jarilla
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link