Wala Nang Hahanapin Pa

Mayro'n s'yang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig, walang katapusan
'Di naman daw nagdududa, naniniguro lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan s'ya, minamahal ko s'ya
Wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko s'ya
Wala nang hahanapin pa

'Di raw nagseselos ngunit nagbibilang ng oras
'Pag ikaw ay ginagabi
At biglang maamo 'pag may kailangan
'Pag nakuha na, ikaw ay itatabi

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan s'ya, minamahal ko s'ya
Wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko s'ya
Wala nang hahanapin pa

'Di magpapatalo 'pag mayro'ng alitan
'Di aamin ng mali, magbabagong-isip lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan s'ya, minamahal ko s'ya
Wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko s'ya
Sinasamba ko pa (sinasamba ko pa), walang kaduda-duda
Wala nang hahanapin pa



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link