Magkikita Rin Tayo

'Di ko na mapigil ang aking panggigigil
Ako'y tuwang-tuwa sa 'yong mapupulang pisngi
Ngunit bago ako matuluyan nang husto
Pakinggan sana'ng awit ko sa 'yo
(Yo, do, do, do)

Buwisit na buwisit at inis na inis ako
'Pag 'di ka makita nang isang linggo
Hindi lang nagagalit at nagiging masungit
Nagkakalat pa 'ko dahil sa 'yo

Oh, hirang, pakinggan ang daing ko
'Pagkat malapit na 'kong maloko
Buong gabi at araw, nasa isip ko'y ikaw
Kaya ako'y lalong bumababaw

Lagi na lang nagdarasal na sana'y lumindol
O 'di kaya'y umulan ng apoy at ng alkohol
Hayaan mong matunaw at magunaw ang mundo
Basta't sa isla'y magkasama tayo

Oh

Oh, giliw, hirang, sinta, liyag, sweetheart, mahal ko
'Wag sanang tanggihan ang hiling ko
'Pag 'di mo pagbigyan, hala, ako'y magpapakayaman
Laki ng pagsisising abot mo

'Di ko na maawat tulo ng aking laway
Ako'y nanggigigil sa 'yong mga-, hmm-mmm-mmm
Pagdating ng araw na ako'y malaya na
At maayos na ang ulo ko
Magkikita rin tayo
Oh, mahal ko
Ooh



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link