Kailan Mo Ako Pagbibigyan

Dibdib ko'y umaalon, humihigpit ang pantalon
Kapag ika'y pumapasok sa kwarto
Bumibilis ang paghinga, dumidilat, mga mata
Alam ko't alam mo na sadya mo lahat ito

Oh, kailan mo 'ko pagbibigyan?
Oh, 'wag mo na 'kong paandaran
Oh, kailan mo 'ko pagbibigyan?
Isang pagkakataon, sapat na, maniwala ka

Pawis ay tumutulo, laway ay nanunuyo
Talino ko'y butal sa harap mo
Napapagod na ako sa kaaasam sa 'yo
Alam ko't alam mo na sadya mo lahat ito

Oh, kailan mo 'ko pagbibigyan?
Oh, 'wag mo na 'kong paandaran
Oh, kailan mo 'ko pagbibigyan?
Isang pagkakataon lamang ay okay na

Nagkalat ang mga katulad mo
Mga lalaki ay ginagago
Mga puso'y laruan lamang, ginagamit, tinatapon
Masasabi ko lang, "May araw ka rin"

Oh, kailan mo 'ko pagbibigyan?
Oh, 'wag mo na 'kong paandaran
Oh, kailan mo 'ko pagbibigyan?
Isang pagkakataon, sapat na, maniwala ka (maniwala ka)
Isang pagkakataon lamang ay okay na

Okay na



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link