Tanggapin Mo Kung Gusto Mo

Tanggapin mo kung gusto mo
Tanggihan mo kung ayaw mo
'Wag pipilitin ang sarili
Nang matuwa lang ibang tao

'Wag gagawin dahil uso lang
Sundan lamang ang katwiran
Gamitin mo'ng iyong ulo
Nang hindi magmukhang gago

At habang ang iba'y nagwawala
Habang sila'y nababaliw
Malinaw pa rin ang isip mo
Alam mo pa rin ang ginagawa mo

Tanggapin mo kung gusto mo
Tanggihan mo kung ayaw mo
'Wag pipilitin ang sarili
Nang matuwa lang ibang tao

Patibayin ang iyong budhi
'Wag na 'wag kang pabibili
Alagaan ang pagkatao
Mahalaga ang pangalan mo

'Pag hindi ka maaasahan
Wala sa 'yong magtitiwala
Salita mo'y panindigan
At yayaman ka sa kaibigan

Tanggapin mo kung gusto mo
Tanggihan mo kung ayaw mo
'Wag pipilitin ang sarili
Nang matuwa lang ibang tao

Alamin, kilalanin ang sarili
Nang malaman ang sariling kiliti
Oo kung oo
At hindi kung hindi

Mas madaling maintindihan
Taong walang pag-aalinlangan
At sa gano'n, matitiyak mo
Ang uri ng isang tao
(Tunay kang tao) tunay kang tao
(Hindi ka malabo) hindi ka malabo (uh)

Tanggapin mo kung gusto mo
Tanggihan mo kung ayaw mo
'Wag pipilitin ang sarili
Nang matuwa lang ibang tao

Tanggapin mo kung makakatulong
Tanggihan mo kung makakasama lang sa 'yo
Tanggapin mo kung biyayang tunay
Tanggihan mo kung masisira'ng mundo

Tanggapin mo kung gusto mo
Tanggihan mo kung ayaw mo
'Wag pipilitin ang sarili
Nang matuwa lang ibang tao



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link