Mga Demonyo

Naglalakad nang makita ko si Pedro
Nakalugmok, malungkot, mata'y walang anino
Ako'y nagtanong-tanong kung may nalalaman ang iba
Ito lang ang alam nila

Isang anghel ang nag-alok ng mahiwagang mahika
Sabi niya'y "Halika na, hinding-hindi ka magsasawa
Kasiyahan ang dala, lahat ay pupwede mong makuha"

Ang 'di niya alam
Ang lahat ng bagay ay may sungay
'Di niya alam ang lahat, yeah

Huwag kang basta-basta hahakbang
Ang lahat ay 'di mo pa alam
Kung sila'y demonyo na nag-anyong anghel lamang

Huwag kang basta-basta sasama
Sa mga hindi mo kilala
Pwede siyang demonyo na nag-anyong anghel lamang

Balik, balik na sa mundo mula sa langit
Ako'y tumalon dahil sa espadang tusok-tusok na sa akin
Pumunta munang lupa upang puso ay aking sundin

Upang makamit ang kung ano'ng magpapaunlad sa akin
At pagbalik sa itaas na tahanan
Laking gulat, sa likod, ako'y tinamaan
Dahil sa espadang pagpapaulan

Hindi ko alam
Ang lahat ng bagay ay may sungay
Hindi ko alam ang lahat

Huwag kang basta-basta hahakbang
Ang lahat ay 'di mo pa alam
Kung sila'y demonyo na nag-anyong anghel lamang

Huwag kang basta-basta sasama
Sa mga hindi mo kilala
Pwede siyang demonyo na nag-anyong anghel lamang



Credits
Writer(s): Mark Brando Baloloy
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link