Pag-Ibig

Iyo pa bang tanda
Noong tayo ay magkasama?
Ako'y walang alam
Sa aking nadarama

Oh, kailanman
Hindi ko inasahan
Na ako'y mahuhulog
Sa isang katulad mo

Kay dilim ng gabi
Oh, aking irog, hawak na ng kamay
Sumayaw tayo nang sabay
Habang nakatitig sa kagandahan mong taglay, hmm

Araw-araw, mas nabibighani sa iyo
Oh, sa pagpatak ng ulan, ikaw ang silungan ko
Sinta, sa puso mo, ako'y nakauwi na

Kay tagal kong nag-aantay
Nang aking buhay ay magkakulay
Ako'y walang alam
Ikaw lang pala ang aking inaasam

Oh, kahit kailan
Hindi ko bibitawan
Ang nagbuhay sa 'king puso
Ooh-ooh-ooh-ooh

Kay dilim ng gabi
Oh, aking irog, hawak na ng kamay
Sumayaw tayo nang sabay
Habang nakatitig sa kagandahan mong taglay

(Pag-ibig nga naman, pag-ibig nga naman)

Credits
Writer(s): Mark Brando Baloloy
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link