Sikreto Lang Muna

Singliwanag ng sinag ng araw
Ang iyong ngiting nakakapukaw
Ng aking damdaming laging kinikimkim
Ang nyebe sa puso'y nalusaw
Dalawang kaliwang paa'y napasayaw
Kaya sa mga bituin aking hinihiling
Sana'y maging akin ka na, na na
Matagal ko nang inaasam na
Malaman mo na gusto kita
Pero sikreto lang muna
Patay ako kung malaman nila ito
Kaya ilang taon ko nang tinago
Lahat ng aking mga nararamdaman
Tuwing ako'y iyong tinititigan
'Di mo lang alam na gusto kita
Pero sikreto lang muna
'Di mo lang alam na gusto kitang
Mayakap at mahagkan (ayy)
Sana malaman mo na ako
Ako ay hindi ordinaryo
'Wag sana matakot, 'wag kang lumayo
Dahil sinabi ng lipunan sa iyo
"Dun ka sa maykaya"
"Dun ka sa mas maganda"
"'Wag kang makontento sa isang hampas-lupa"
Sabi rin nila ang pag-ibig kong ito
Ay 'di totoo at ito'y pagsubok lamang
Ngunit ikaw ang kulang
Ang ulan sa puso kong tigang
Pero ito'y sikreto lang muna
'Di mo lang alam na gusto kita
Pero sikreto lang muna
'Di mo lang alam na gusto kitang
Mayakap at mahagkan
Panalangin ko sa hangin
'Di mo lang alam na gusto kitang
Mayakap at mahagkan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link