Habambuhay...?

Ako ay ulap na hindi
Ginustong matangay ng mainit mong hangin
At kahit mga damong ligaw
Ay napasayaw sa simoy mong kaytamis

Kukunan ko ng litrato
Ang lilang himpapawid at baka sakaling
Ang luha at pagdurusa
Kong ito ay mapawi at kusang aalis

Tila kasalanan ang pagiging iba
May lasong tinik ang patong na parusa
Tutusok sa balat habang may hininga
Dilang makutsilyo ang sasalubong na
Sa dating ngiti sa loob ng kuweba
Balot na sa takot habambuhay

Pinilit kong tanggalin ang
Lahat ng aking ugat ngunit gusto ko pang
Mabuhay sa lupang malupit
Kahit hindi patas ang mga nilalang
Mistulang sukal na damo
Ang lilang bulaklak
Sa malamayang hardin na ito
Ang hanging nilalanghap mo
Nagiging halakhak
Mula sa puso mong bato
Tila kasalanan ang pagiging iba (Kasalanan ba?)
May lasong tinik ang patong na parusa (Karapatdapat ba?)
Tutusok sa balat habang may hininga (Habambuhay)
Dilang makutsilyo ang sasalubong na (Kasalanan ba?)
Sa dating ngiti sa loob ng kuweba (Tanggap mo pa ba?)
Balot na sa takot habambuhay (Habambuhay)



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link