Anino
Hindi kita masilayan
Tumatakbo sa kawalan
Tumatakbo sa kadiliman
Naliligaw sa sangandaan
Hinahabol ang hininga
Para masulyapan muli kita
Pilit na tumatakbo
Kahit hindi ko na alam kung saan tutungo
Sa kalyeng paliku-liko
Gusto ko nang sumuko
Naliligaw, sumisigaw, naliligaw, sumisigaw
Gusto ko nang bumitaw
Hindi pa rin kita matanaw
Gusto ko nang sumuko
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Gusto ko nang magpahinga
Sumusuko na sa pag-asa
Sa tadhanang nauutal
May kamatayang nakasandal
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Ngunit sa aking pagkapit
May liwanag na sumilip
Nasilayan ko siyang muli
Sa maliliit na butas
May mga nakasilip na bukas
Pilit na kinukuha ang bawat sakit, at ang bawat pait
Sa mga nakaraa'y hindi nako lumingon
Nagsikap akong bumangon
Ako'y tumakbong muli, at hindi na nagbakasali
Binabagtas ang diretsong daan
Upang ang liwanag ay muling mahagkan
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Pero patuloy pa rin akong tatakbo
Tatakbo taliwas sa bangin
Nilalabanan ang mga bagyo't malalakas na hangin
Yung akala ko ok na
Akala ko tapos na
Hindi pa pala
Marami pang lubak
At kasunod ko pa rin ang may itim na pakpak
Ngunit ang maliliit na nakausling liwanag
Ay hindi ako pinahamak
Dahan-dahan siyang lumalapit
Nararamdaman ko na ang kanyang init
Kaya patuloy akong tatakbo
Patuloy akong tatakbo
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako susuko
Kaya ok lang sumablay
Parating may pag-asa ang buhay
Parating may bukas... parating may bukas
Bukas ay panibagong araw muli
Hayaan nating mabuhay tayong muli
Kaya't ituloy pa din ang pagtakbo
At pagpinta ng buhay mo
Ang iyong buhay... ang ating buhay
Na kahit putol na ang pinsel at krayola
Nagbibigay pa din ito ng kulay
Bukas, masusulyapan ko ulit ang aking mga ngiti
At ako'y mabubuong muli
Tumatakbo sa kawalan
Tumatakbo sa kadiliman
Naliligaw sa sangandaan
Hinahabol ang hininga
Para masulyapan muli kita
Pilit na tumatakbo
Kahit hindi ko na alam kung saan tutungo
Sa kalyeng paliku-liko
Gusto ko nang sumuko
Naliligaw, sumisigaw, naliligaw, sumisigaw
Gusto ko nang bumitaw
Hindi pa rin kita matanaw
Gusto ko nang sumuko
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Gusto ko nang magpahinga
Sumusuko na sa pag-asa
Sa tadhanang nauutal
May kamatayang nakasandal
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Ngunit sa aking pagkapit
May liwanag na sumilip
Nasilayan ko siyang muli
Sa maliliit na butas
May mga nakasilip na bukas
Pilit na kinukuha ang bawat sakit, at ang bawat pait
Sa mga nakaraa'y hindi nako lumingon
Nagsikap akong bumangon
Ako'y tumakbong muli, at hindi na nagbakasali
Binabagtas ang diretsong daan
Upang ang liwanag ay muling mahagkan
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Pero patuloy pa rin akong tatakbo
Tatakbo taliwas sa bangin
Nilalabanan ang mga bagyo't malalakas na hangin
Yung akala ko ok na
Akala ko tapos na
Hindi pa pala
Marami pang lubak
At kasunod ko pa rin ang may itim na pakpak
Ngunit ang maliliit na nakausling liwanag
Ay hindi ako pinahamak
Dahan-dahan siyang lumalapit
Nararamdaman ko na ang kanyang init
Kaya patuloy akong tatakbo
Patuloy akong tatakbo
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako susuko
Kaya ok lang sumablay
Parating may pag-asa ang buhay
Parating may bukas... parating may bukas
Bukas ay panibagong araw muli
Hayaan nating mabuhay tayong muli
Kaya't ituloy pa din ang pagtakbo
At pagpinta ng buhay mo
Ang iyong buhay... ang ating buhay
Na kahit putol na ang pinsel at krayola
Nagbibigay pa din ito ng kulay
Bukas, masusulyapan ko ulit ang aking mga ngiti
At ako'y mabubuong muli
Credits
Writer(s): Paul Leonard Cardenas
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
Altri album
- Episode 6: The Art of Single-Tasking
- Epissode 4: The MOST POWERFUL WORD to Avoid Procrastination
- Episode 5: Prioritize IMPORTANT Things (that are NOT URGENT)
- Episode 3: Do a Morning Routine (before facing the World!)
- Episode 2: Be Grateful (First thing in the Morning!)
- 40 Life Lessons at 40
- Sa Akin (A Spoken Word Poetry by Niña Christelle Sumintac)
- Kahel
- Mabaya
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.