Milktea

Kung ako ay isang tsaa
Ikaw naman ang gatas ko
Magkaiba ang ating lasa
Magkahiwalay ang mundo

Kung pag-uusapan natin ang timpla
Kinahuhumalingan tayo ng madla
Ika'y gusto ng mga bata
Ako'y mahal ng matatanda

Ngunit 'pag pinagsama tayong dalawa
Ang magkaiba nating lasa'y nag-iiba
Ang relasyon nati'y may samu't saring timpla
Ang tamis at sarap na nagbibigay saya



Credits
Writer(s): Paul Leonard Cardenas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link